"You're the first person I think about when I wake up in the morning and the last I think about as I go to sleep at night :)))"
S'ya nga pala ang lalaking nagpapasaya saken araw-araw. Ang lalaking dahilan ng pagngiti ko dahil sa walang katapusan nyang mga sweet text messages. Ang lalaking dahilan kung bakit lagi akong inspired pumasok. Ang lalaking dahilan kung bakit lagi akong masayang natutulog at gumigising kahit puyat ako. Ang lalaking dahilan ng muling pagtibok ng puso ko at ang dahilan para muli kong maramdaman na may isang taong kaya akong pahalagahan at iparamdam na espesyal ako sa kanya kahit ni minsan ay hindi pa kami nagkikita sa personal. Marahil ay nakapagtataka kung bakit mabilis akong nahulog sa kanya. Kung ang sarili ko nga nagtataka din eh. Iba kase sya, sya yung lalaki na may sense kausap at katext. Hindi ka maboboring, bawat hirit nya, mapapangiti ka talaga. At isa sa pinakanagustuhan ko sa kanya ay yung pagtetext nya ng mahaba na para bang nagsasabi na talagang interesado sya saken at talagang gustung gusto nya kong makatext at ang isa pa ay ang kakayahan nya na mapangiti ako sa bawat text nya. Bihira ko yung naramdaman sa mga lalaking nakatext ko. Masasabi kong iba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Alam mo yung feeling na paggising nya sa umaga, ako ang unang itetext nya, kapag nasa trabaho na sya at break time nya, itetext nya ulit ako. At hanggang sa pag-uwi at bago sya matulog, babanatan nya ko ng isang nakakakilig na mensahe.Ang saya lang, ang sarap sa pakiramdam na alam mong andyan sya para sayo kahit nasa malayong lugar sya.
At gustong gusto ko yung idea na parang sya na talaga yung susunod kong magiging boyfriend. Hindi pa man kami nagkikita pero ramdam ko na nahuhulog na'ko sa kanya.
May usapan na kami na magkikita kami ngayong october. At super duper excited na kong makita at makasama sya.At pinapangako ko, na kahit na ano pang itsura nya,gwapo man sya o hindi, ok lang saken dahil ako yung tipo ng babae na hindi dumedepende sa itsura. Ako yung babae na mapasaya lang ako ng sobra, tyak mamahalin ko na :))))
Yun siguro ang dahilan kung bakit mabilis akong nahulog sa kanya.Dahil sa pagiging sweet, caring at thoughtful nya. Alam mo yung feeling na parang ang tagal tagal na naming magkakakilala. Palagi nyang ipinaparamdam saken na mahalaga at importante ako sa kanya(pareho lang pala yun). Ipinaparamdam nya kung gaano kaganda sa paningin nya (kahit hindi naman ako maganda). At higit sa lahat, ipinaparamdam nya lagi na mahal nya ako at akin lang sya. Ang sweet lang. Sana lang pagnagkita kami, hindi sya magbago, sana ganun pa rin sya kasweet, sana lalo pa nya akong mahalin.Sana lagi pa nya akong pangitiin.
Hey baby Ronel Aquino!.taga FEU ka ba?
kase sabi nila, TAMA-RAW na ibigin kita, Ayeee:-)
pakiss nga! umwaahhh!!.<3
See you soon baby:)))) I can't wait to see you :)
No comments:
Post a Comment