Isa lang ako sa mga kabataang nangangarap makatuntong at makapag-aral ng kolehiyo sa isang unibersidad. Sabi nga nila, kapag sa unibersidad ka daw nag-aral, magiging maganda ang "future" mo, mas mabilis makakahanap ng trabaho. Pero ang pangarap kong makapag-aral sa isang unibersidad ay hindi natupad at sa ABE ako napadpad.
Taong 2009 nang mag-enroll ako sa ABE at dito nagsimula ang masayang buhay ko bilang isang kolehiyala. Noon ay nasa Junction, Cainta pa ang school namin at masasabi kong hindi ako kuntento doon, bukod sa mukhang nakakatakot, ay maliit pa ang building namin. Pero kahit ganun, air-conditioned naman ang mga rooms at sadyang komportable. Lumipas ang mga araw, marami akong naging kakilala at naging kaibigan. Natutuwa ako sapagkat lahat sila ay mababait at hindi mapagmataas anuman ang antas nila sa buhay. Halos lahat ng mga naging Professors ko ay mababait din at sadyang matatalino. Kapag nagturo sila, mapapanga-nga ka talaga sa sobrang galing at" cool" nilang magturo. At ang masaya pa dun, naging ka-close ko pa ang iba sa kanila.
Maraming organization ang pwede mong salihan sa ABE at isa na dito ang YEO o Young Entrepreneur Organization na sya kong sinalihan dahil alam kong malaki ang maitutulong nito sa akin lalo na't ang kurso ko ay Business Administration. Dito, natuto akong makisalamuha sa iba't-ibang klase ng tao at nakatagpo ng maraming kaibigan. Lalong naging makulay ang una at dalawang taon ko sa ABE nang maging isa ako sa mga dean's lister. Hindi talaga ako makapaniwala. Pakiramdam ko, ang tali-talino ko. At ito ang naging dahilan upang magkaroon ako ng kumpyansa sa aking sarili at magsimulang magtiwala sa kakayahan ko.
At noong lumipat ng lokasyon ang school namin sa may harap ng Sta.Lucia ay mas lalo akong naging masaya at nakuntento. Kung ikukumpara sa dating building namin ay mas maganda, mas malaki, mas malinis at mas kaakit-akit tingnan ito kaysa sa dati. Nagkaroon din kami ng mga bagong Professors at mababait, matatalino at magagaling talaga silang magturo. Lalo akong naging masaya bilang isang ABEnista. Buwan-buwan ay may mga aktibidades silang ginagawa na pwedeng makiisa lahat ng estudyante. At ang masaya pa dito, maganda ang ugnayan ng bawat estudyante sa bawat Prof.nila, kumbaga "harmonious" ang relasyon ng isat-isa.
Sa ngayon ay nasa ika-apat na taon na ako dito sa ABE at masasabi kong ang mahigit tatlong taon kong pamamalagi dito ay sadyang naging makabuluhan at sadyang hindi malilimutan. Nakumbinsi ko ang sarili ko na kahit hindi man ako nag-aaral sa isang maganda at sikat na unibersidad, masaya naman ako sa eskwelahang napili ko at sa mga kaalaman ko pa lang na napulot mula sa mga Professors ko ay masasabi kong PANALO na ako.
Kunting tiis na lang at makakamit ko na ang diplomang matagal ko nang pinapangarap. Pero ang nakakalungkot doon, magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko, hindi ko na makikita ang mga Professors kong iniidolo, at iiwan ko na ang ABE. Ang ABE na nagpabago sa buhay ko, ang ABE na lumilok sa pagkatao ko at ang ABE na nagbigay sa ideyang hindi lahat ng nag-aaral sa isang magandang unibersidad ay may magandang kinabukasan dahil nasa tao pa rin yan at wala yan sa eskwelahang iyong pinanggalingan. Para sa akin, "the best" ang ABE and I am proud to say that I AM HAPPY TO STUDY AT ABE.:)))

No comments:
Post a Comment