Naalala ko lang yung nangyari kanina. Pinagtripan ko lang naman si lalaine na naiinlove na ko sa crush nya. Oh well. as usual naniwala na naman sya. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at ramdam ko na tila gusto na nya akong ipasalvage o ipasagasa sa rumaragasang dump truck.
Sino nga naman ang hindi malulungkot pag nabalitaan mong ang lalaking matagal mo nang pinagpapantasyahan eh naakit at nahulog sa pangungulit ng kaibigan mo na ang intensyon lang naman eh maging tulay para sa inyong dalawa. Masaklap yun! Ramdam na ramdam ko ang emosyon ng kaibigan kong si Lalaine kanina. Kaya hindi na ko nakatiis at inamin ko nang hindi naman talaga totoo yung sinabi ko. Nakonsnsya tuloy ako.:(
Hello Miss Veronica Lalaine Delica! Sorry kung napagtripan na naman kita.Hahaha parte yun ng isang buong araw ko, ang pagtripan ka.hahaha ILOVEYOU:)))
Saturday, August 25, 2012
Kelan ka darating?
Sila si katrina at kimble, ang isa sa pinakahinahangaan kong magjowa sa twitter at tumblr. Oh di ba? ang saya lang nilang tingnan, parang napakaperfect ng relasyon nila base na rin sa mga nababasa kong status at tweets nila sa twitter. Ang ganda ni kat, ang gwapo ni kimble.bagay na bagay silang dalawa.:)
Sa totoo lang inggit na inggit ako sa babaeng to. Napakaswerte nya at nagkaroon sya ng boyfriend na katulad ni kimble. Napakasweet, sobrang maeffort at ramdam ko kung gaano nya kamahal at nirerespeto ang gf nya.Prinsesa ang turing nya kay kat. As in inggit na inggit ako! Kase parang sa lahat ng nakarelasyon ko, hindi ko pa naranasang maging buhay prinsesa. Yung tipong, susunduin ako at ihahatid sa bahay. Yung kakain sa labas at manood ng sine, dadalhin sa bahay nila tapos ipapakilala sa magulang ng pormal. Lahat yun hindi ka pa naranasan sa pito kong lalaking nakarelasyon plus yung isang nagfi-feeling lalaki. Kadalasan kase ako palagi ang nag-e-effort at ako palagi ang nasasaktan Ang saklap lang di ba? Kaya nakakatamad na rin minsang magboyfriend eh. Mahirap magtiwala, mahirap umasang ikaw lang ang mamahalin nya at di ka lolokohin.Sa panahon ngayon, kunti na lang ang matinong lalaki, kunti na lang ang marunong rumespeto at magseryoso at sa kunting yun, mahanap ko pa kaya ang lalaking magpapaligaya sakin at gagawin akong prinsesa?
Alam ko naman na hindi ako maganda para maghanap ng gwapong boyfriend. Tama na sa akin yung lalaking tapat, at mamahalin ako kung sino at ano ako. Yung lalaking kaya akong pasayahin sa mga oras na kailangan kong ngumiti. Yung lalaking mag-e-effort ng husto makasama lang ako. Yung lalaking handang maging korny, kiligin lang ako. Alam ko naman darating din ang araw na makikilala ko na sya. Pero sana magparamdam naman sya ngayon. Utang na loob! Tigang na'ko!!!
Friday, August 24, 2012
NAKAKATAMAD...
Nakakatamad palang gumawa ng post kapag wala kang maisip na isulat. Hindi mo alam kung paano mo sisimulan dahil sa dinami rami ng nangyari saken sa loob ng isang linggong lumipas baka september na, hindi mo parin tapos basahin ang post ko.
Nakakatamad di ba?
Nakakatamad pag walang lovelife, walang inspirasyon.nakakabagot.nakakatamad!
Nakakatamad pag paulit-ulit na lang ang nangyayari, Walang bago. Gigising ka sa umaga, mag-aalmusal, maglalaptop, maliligo, papasok, dadaldal, hahalakhak, maiihi, kakain, uuwi, manunuod ng tv, matutulog, maglalaway, mananaginip, gigising. At mangyayari ulit yun kinabukasan. Nakakatamad di ba?
Ayoko na! nakakatamad nang magtype.
sure ako tatamarin ka ring basahin ang walang kwenta kong post na ito. wala kase ako sa mood. NAKAKATAMAD KASE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Monday, August 20, 2012
Buhay Single
Tatlong buwan na rin pala ang nakakalipas simula nung maging single ako. Tatlong buwan na rin akong walang kalandian bukod sa ex ko na nakalandian ko ng mahigit kumulang sa isang linggo. Oo naglandian kami sa text at personal pero sabi nga sa kanta "i remember the boy but i don't remember the feeling anymore" dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay parang baha sa karangalan, WALA NA!.hahaha.
Kumbaga, nakipaglandian lang ako dahil naboboring ako sa buhay ko at nilalandi n'ya ko. Yun lang at wala nang ibang dahilan.
Pero sa totoo lang,sinabi ko dati sa sarili ko na ok lang na wala muna akong boyfriend, ok lang na wala munang lovelife pero ngayon tila hinipan ako ng malakas na hangin para isipin na sana may manligaw na saken at magkaboyfriend na'ko. Alam mo yung feeling na sasakay ka ng jeep mag-isa tapos makakatabi mo yung sweet na sweet na magjowa habang nakaakbay pa yung kamay ng lalaki sa balikat ng babae? Nakakainggit lang, so ang gagawin ko na lang papalawakin ko na lang ang imagination ko at iisiping katabi ko din ang boyfriend ko habang magkaholding hands kami.Ang tindi lang no? Tapos pagbukas ko ng phone ko, mababasa ko yung mga gm ng mga kaibigan ko na kinikilig daw sila blah..blah..blah..
Nakakainis! buti pa sila, may taong nagpapakilig, may taong nagiging dahilan para makompleto ang araw nila, may nagsasabing "ingat ka papakasalan pa kita" may nagsasabi ng "iloveyou forever". Samantalang ako, nyuta! nga-nga forever???.Wala akong natatanggap na text kundi gm..walang kamatayang gm!
Hindi naman ako desperada na magkaroon ng boyfriend agad, kase kung tutuusin mas mapalad pa naman ako ng sampung paligo pagdating sa lovelife kay Miss Veronica Lalaine Delica. Eto sya oh. http://onlinediarynilalaine.blogspot.com . Marami na rin kase akong naging boyfriend, pero sya wala pa kahit isa. Oh di ba? mas maswerte pa din ako? Siguro namimiss ko lang talaga yung pakiramdam ma inspired ka at inlove ka. Hindi dahil naiinggit ako sa mga kaibigan ko na makulay ang buhay pag-ibig kundi dahil gusto ko ulit maramdaman yung saya na hindi ko naramdam sa loob ng tatlong buwan kong pagiging single.
Oo masarap maging single dahil nagagawa ko lahat ng gusto ko, pero HINDI MASAYA! Hindi mo masasabing kompleto lagi ang araw mo, walang magpapakilig sa'yo, walang magtetext sa'yo minu-minuto at walang magiging dahilan ng pagpupuyat mo kundi dahil nakinig sa mga kwento ng pag-ibig,buhay at pag-asa sa barangay love stories o di kaya ay tinamaan ka ng lintek na insomnia. Ang boring maging single di ba? Kaya ang boring ng buhay ko ngayon.Laslasan na!
Wednesday, August 15, 2012
Buhay kolehiyala sa ABE
Isa lang ako sa mga kabataang nangangarap makatuntong at makapag-aral ng kolehiyo sa isang unibersidad. Sabi nga nila, kapag sa unibersidad ka daw nag-aral, magiging maganda ang "future" mo, mas mabilis makakahanap ng trabaho. Pero ang pangarap kong makapag-aral sa isang unibersidad ay hindi natupad at sa ABE ako napadpad.
Taong 2009 nang mag-enroll ako sa ABE at dito nagsimula ang masayang buhay ko bilang isang kolehiyala. Noon ay nasa Junction, Cainta pa ang school namin at masasabi kong hindi ako kuntento doon, bukod sa mukhang nakakatakot, ay maliit pa ang building namin. Pero kahit ganun, air-conditioned naman ang mga rooms at sadyang komportable. Lumipas ang mga araw, marami akong naging kakilala at naging kaibigan. Natutuwa ako sapagkat lahat sila ay mababait at hindi mapagmataas anuman ang antas nila sa buhay. Halos lahat ng mga naging Professors ko ay mababait din at sadyang matatalino. Kapag nagturo sila, mapapanga-nga ka talaga sa sobrang galing at" cool" nilang magturo. At ang masaya pa dun, naging ka-close ko pa ang iba sa kanila.
Maraming organization ang pwede mong salihan sa ABE at isa na dito ang YEO o Young Entrepreneur Organization na sya kong sinalihan dahil alam kong malaki ang maitutulong nito sa akin lalo na't ang kurso ko ay Business Administration. Dito, natuto akong makisalamuha sa iba't-ibang klase ng tao at nakatagpo ng maraming kaibigan. Lalong naging makulay ang una at dalawang taon ko sa ABE nang maging isa ako sa mga dean's lister. Hindi talaga ako makapaniwala. Pakiramdam ko, ang tali-talino ko. At ito ang naging dahilan upang magkaroon ako ng kumpyansa sa aking sarili at magsimulang magtiwala sa kakayahan ko.
At noong lumipat ng lokasyon ang school namin sa may harap ng Sta.Lucia ay mas lalo akong naging masaya at nakuntento. Kung ikukumpara sa dating building namin ay mas maganda, mas malaki, mas malinis at mas kaakit-akit tingnan ito kaysa sa dati. Nagkaroon din kami ng mga bagong Professors at mababait, matatalino at magagaling talaga silang magturo. Lalo akong naging masaya bilang isang ABEnista. Buwan-buwan ay may mga aktibidades silang ginagawa na pwedeng makiisa lahat ng estudyante. At ang masaya pa dito, maganda ang ugnayan ng bawat estudyante sa bawat Prof.nila, kumbaga "harmonious" ang relasyon ng isat-isa.
Sa ngayon ay nasa ika-apat na taon na ako dito sa ABE at masasabi kong ang mahigit tatlong taon kong pamamalagi dito ay sadyang naging makabuluhan at sadyang hindi malilimutan. Nakumbinsi ko ang sarili ko na kahit hindi man ako nag-aaral sa isang maganda at sikat na unibersidad, masaya naman ako sa eskwelahang napili ko at sa mga kaalaman ko pa lang na napulot mula sa mga Professors ko ay masasabi kong PANALO na ako.
Kunting tiis na lang at makakamit ko na ang diplomang matagal ko nang pinapangarap. Pero ang nakakalungkot doon, magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko, hindi ko na makikita ang mga Professors kong iniidolo, at iiwan ko na ang ABE. Ang ABE na nagpabago sa buhay ko, ang ABE na lumilok sa pagkatao ko at ang ABE na nagbigay sa ideyang hindi lahat ng nag-aaral sa isang magandang unibersidad ay may magandang kinabukasan dahil nasa tao pa rin yan at wala yan sa eskwelahang iyong pinanggalingan. Para sa akin, "the best" ang ABE and I am proud to say that I AM HAPPY TO STUDY AT ABE.:)))

Isa na akong blogger!
OMG!.nakakatanga pa lang magregister dito, yung tipong parang gusto ko nang sumigaw dahil nalilito talaga 'ko. Tinwagan ko pa ang friend ko na si Lalaine para lang magpatulong kung paano maglagay ng layout, oh di ba? ang bobo ko lang..eh andun lang pala sa template.hahaha!.Kung di lang required sa isa naming subject na gumawa nito, baka tuluyan na talaga akong sumuko.
Anyway, tagumpay!.natapos ko nang iedit ang profile ko.Ang problema ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang magsulat ng blog tungkol sa experience ko sa ABE. Sa dinami dami ng karanasan ko dun, wala akong maisip na ilagay.eh kase naman nakacharge ang cellphone ko.hahaha wala lang.
Mabuhay!..isa na akong ganap na blogger:)))

Subscribe to:
Posts (Atom)